Tag Archive | "Google doodles"


Mabuhay ang Pilipinas!

Mabuhay ang Pilipinas!

Sa mahalagang araw na ito, ibinabalik-alaala nating mga Pilipino ang Araw ng Kasarinlan ng ating bansa. Noong ika-12 ng Hunyo sa taong 1898, kumalas tayo nang buong layunin mula sa mga nagnakaw ng ating kalayaan matapos ang napakahaba’t magulong panahon. Ngunit, anupaman ang kalagayan ng ating bayan ngayon, anupaman ang mga suliraning ating dinaranas, tayo ay malaya, tayo ay Pilipino.

Google Doodle - Philippine Independence DayNagagalak naman akong ipag-alam na ang Google, na siyang pinakamalaking search engine sa kasalukuyan, ay nakipagdiriwang sa atin ngayon. Sa pamamagitan ng Google Doodles, naipararating ng Google sa buong mundo ang halaga’t diwa ng ating kasarinlan at dangal bilang Pilipino.

Heto po ang isang magandang paliwanag mula sa kababayan ko’t kapwa blogger na si Andrew dela Serna, ukol sa Google Doodles.

Mabuhay ang Pilipino! Isulong ang ating Kalayaan! Pugsain ang anumang balakid sa ating Kapayapaan!

NO TO CON-ASS!!!

Posted in SocietyComments (18)

Upcoming in & around Davao

  • Yoga Workshop
    10 September (Fri) • South Studio, Door 3, Damosa Bldg, Angliongto Ave., Lanang
  • 1st Asian Bird Fair
    23 September (Thu) • Waterfront Insular Hotel, Lanang
iblogforpeace
Ratified.org Philippines



page counter
davao blog ako!
MindanaoBloggers
Proudly Pinoy